Para sa taong ito, muling naghahanap ang Linangan saImahen, Retorika at Anyo (LIRA) ng mga bagong fellow na mapapabilang sa poetry workshop o palihan sa pagtula.
Itinatag noong 1985 ang LIRA ng Pambansang Alagad ngSining para sa Panitikan Virgilio S. Almario, kilalasa mundo ng panitikan bilang Rio Alma. Ipinagmamalaking LIRA, isang organisasyon ng mga makatang nagsusulatsa wikang Filipino, ang taunang palihang humubog samga premyadong makata at manunulat ng ating panahon.
Kabilang sa 20-taong tradisyon ng kahusayan ng LIRAang kanilang miyembrong sina: Roberto T. Añonuevo atRomulo P. Baquiran, Jr., mga makatang Oragon atprolipikong awtor; Rebecca T. Añonuevo, premyadongmakata, kritiko at guro sa Miriam College; Vim Nadera,performance artist at kasalukuyang direktor ng UPInstitute of Creative Writing; Nicolas Pichay, abogadoat awardee ng Centennial Literary Prize; Ariel Dim. Borlongan, mamamahayag at naging Makata ng Taon;Michael Coroza, guro sa Ateneo de Manila University at pabliser; at si Edgar Samar, kasalukuyang pangulo ng LIRA na nagtuturo rin sa ADMU at manunulat ng mga akdang pambata.
Ang palihan o workshop para sa taong ito ay binubuo ngmga lecture ng mga respetadong makata at manunulat,pagsuri at pagbasa ng mga tula. Isa sa mga paksangtatalakayin ay ang mayamang tradisyon ng panulaangFilipino. Ang palihan ay gaganapin mula Hunyo hanggangHulyo 2005, tuwing Sabado at Linggo sa CAL New Building, UP Diliman.
Para sa lahat ng interesado, maaaring magpasa nglimang tula at resumé na may retrato sa LIRA c/o UPInstitute of Creative Writing, 2/F College of Arts andLetters, UP Diliman, Quezon City o sa hulingiyama@yahoo.com. Ang huling araw ng pagpapasa ay sa Mayo 27, 2005. Parasa karagdagang impormasyon, i-text si Bebang sa0919-3175708.
Monday, May 16, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment