Call for papers
Kasalukuyan na pong tumatanggap ng mga pananaliksik, pagsusuri, at rebyu para sa ikalawang isyu ng Lagda: Opisyal na Journal ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Paksain ng inihahandang publikasyon sa panitikan, sekswalidad, at kasarian; panitikan at kulturang popular; at panitikang popular. Nilalayon ng isyu na itanghal ang mga bagong pag-aaral ukol sa mga nabanggit. Magsisilbi rin itong kapanabay na babasahin ng mga mag-aaral sa ating kursong Pan Pil 19 at Pan Pil 17.
Narito ang mga suhestiyon ng lupon ng mga editor kaugnay sa mga paksang maaaring talakayin:
1. Bagong Popular na babasahin ukol sa Kasarian at Sexualidad (gay magasin, metrosexuality, male studies, queer theory, dulang Penis Talks at Hipo, aklat ng wastong pag-uugali ng mga bakla "The Library Foundation", at mga bagong-lathalang a ng mga lesbiyana at bakla sa bansa)
2. Mga Bagong Chic Literature (nobela ng Cosmopolitan Philippines, etc.)
3. Programang Pantasya o Fantaserye (Mulawin, Kristala, Marina, etc.)
4. Nobelang Pantasya
5. MMDA Art (Urinals, Pedestrian Overpass, Megatrain, Street signages, Street Paintings)
6. Reality Television (Born Diva, Extra Challenge etc.)
7. Popular na nobela (aklat ni Bob Ong, Zsazsa Zaturna, Philippine Ghost Stories)
8. Comedy Bars (Klownz etc.)
9. Alternatibong Paglalathala at Produksiyon (blog, independent films, Ikot poetry, Virtual Diary, Zines, Fan Fiction, Slash Fiction etc.) at
10. Novelty Songs (Lito Camo, Sex Bomb, Maskulado, etc.)
Gabay sa mga Mag-aambag ng Artikulo:
1. Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala sa limbag o elektronikong anyo ang isusumiteng manuskrito, nakasulat sa wikang Filipino.
2. Hindi kukulangin sa 20 pahina, naka-encode, at doble-espasyo. Lakipan ng abstrak ang pag-aaral na hindi lalagpas sa tatlong daang (300) salita.
3. Hindi lalagpas sa sampung pahina ang mga rebyu (tulad ng pelikula, programang pantelebisyon, aklat, musika, atbp.)
4. Maghanda ng isang talatang tala sa manunulat.
5. Isumite rin ang tatlong (3) hard copy at isang soft copy na nasa Rich Text Format.
6. Humingi ng permiso sa anumang materyal (larawan, pabalat ng aklat, ilustrasyon, mapa, atbp.) na ilalahok sa inyong manuskrito.
7. Kailangang sagutan ng mag-aambag ang form na mukukuha sa opisina ng DFPP na nagpapahayag na hindi pa nailalathala ang inyong akda at kung sino ang mga posibleng tagasuri sa inyong pag-aaral.
Ipadala ang mga artikulo sa Lupon ng Editor: Prop. Eugene Y. Evasco, Prop. Will Ortiz, o Prop. Michael Andrada. Tawagan lamang ang numerong 0917-8344746 kung mayroong mga katanungan.
Huling Araw ng Pagsusumite: Unang Linggo ng Pebrero, 2005
Monday, December 20, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment