Tuesday, February 15, 2005

Poetry reading
may TULAAN ang #MAKATA (irc, undernet) sa LIKHA DIWA sa PEBRERO 25 na magsisimula sa ika-pito (7 pm) nang gabi.

ang likha diwa ay matatagpuan sa UP diliman, kalye cp garcia. kung kayo ay maglalakbay sa pamamagitan ng pampublikong sasakyan, bumaba kayo sa philcoa. sabihin nyo lang sa tsuper ng tsubibong may tatlong gulong na dalhin kayo sa likhadiwa sa krus na ligas. kung hindi pa rin nya alam, sabihin nyo sa sarah's ang inyong patutunguhan. alam na nila yun. katabi lang ng arko sa krus na ligas ang likha. dalawampung piso ang bayad. wag magpapaloko.

ang mga tula ay may tatlong kategorya: ingles, filipino, bernakyular. wala tayong tema na sinusunod. ang mga tula nyo ay pwedeng tungkol sa kahit saan.

kung nais nyo naman tumugtog, sabihin nyo agad nang maaga para mailagay kayo sa programa.

paki tawagan o teks na lang ang 09198477472(hanapin si marc) o magpadala ng malupet na liham sa mga_makata@yahoo.com kung may iba pa kayong katanungan. pakiiwan na rin ang inyong pangalan at numero para mahanap namin kayo.

No comments: