ANTOLOHIYA HINGGIL SA KILUSANG PAGGAWA
Inaanyayahan ang lahat ng mga manggagawa at mga manunulat na magsumite ng kanilang mga maikling kuwento para sa isang antolohiya hinggil sa Kilusang Paggawa sa Pilipinas, sa partikular, ang pagpupursigi ng Kilusang Mayo Uno at iba pang konektado rito, hinggil sa mga isyu ng manggagawa at sa pakikipagsapalaran, pakikibaka, at tagumpay ng Kilusang Paggawa sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang kolektibong pagkilos.
Nais taluntunin ng antolohiyang ito ang kasaysayan ng kilusang paggawa sa Pilipinas (at ang koneksyon nito sa pandaigdigang kilusang paggawa), ang mga isyu ng manggagawa tulad ng kontraktwalisasyon, subkontraktwalisasyon, “rationalization” ng mga ahensiya’t institusyon ng pamahalaan, relasyon ng kapitalista at manggagawa, relasyon ng mga manggagawa, unfair labor practices, sexual harassment sa pagawaan, mga personal (at pulitikal) na testimonya, at ang pagbubudyong ng vanguard class ng isang kolektibong pagkilos upang makamit ang tunay na kalayaan at demokrasya. At marami pang iba.
Itataon ang publikasyong ito sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, 2005. Kung kaya, inaasahan naming maipadadala ninyo ang inyong mga kontribusyong maikling kuwento tungkol sa at/o likha ng manggagawa sa Abril 13 (Miyerkules).
Ipadala sa mangiglap@yahoo.com. Kung may katanungan, magpadala ng email kina Joey Baquiran, Joi Barrios, Roland Tolentino o Mykel Andrada ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) ng UP Diliman o di kaya’y magtext sa 0915-4413324.
Monday, April 04, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment