Thursday, January 27, 2005

LIBRENG LIRA LECTURE
Iniimbitahan ang lahat na dumalo sa LIRA Lecture tampok ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan Virgilio S. Almario sa 5 Pebrero 2005, alas-tres ng hapon sa Audio-Visual Room, Arts and Letters Bldg., University of Sto. Tomas, EspaƱa, Maynila. Ito ay libre at bukas sa publiko lalo na sa mga guro at manunulat. Ang lecture ay handog ng Thomasian Writers' Guild at LIRA o Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo, isang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino.

Noong 1985, itinatag ang LIRA ni Prof. Virgilio S. Almario na mas kilala sa kanyang sagisag-panulat na Rio Alma. Taon-taon ay nag-oorganisa ang LIRA ng mga gawaing pampanitikan tulad ng palihan sa pagtula, lecture, seminar, poetry reading at marami pang iba.

No comments: